Presyo ng isda sa mga pamilihan, tumaas na rin dahil sa lamig ng panahon

Dahil sa patuloy na taglamig ng panahon, naapektuhan na rin ang presyo ng isda makaraang tumaas ang halaga nito sa mga pamilihan sa bansa.

Batay sa pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI), asahan na ng publiko partikular na ang mga mamimili na tataas ang presyo ng isda lalo na kapag malamig ang panahon dahil kakaunti lamang ang mga nahuhuli ng mga mangingisda dahil karaniwang nagtatago ang mga ito at mahirap hulihin.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng DTI na mahigpit nilang binabantayan ang mga pamilihan upang masigurong rasonable at makatwiran pa rin ang gagawin nilang pagtaas ng presyo sa mga panindang isda.

Sa isinagawang price monitoring ng DTI sa mga pamilihan, lumalabas na tumaas ng mula P10 hangggang P40 kada kilo ng mga isda.

Speak Your Mind

*