Random drug testing sa mga estudyante sa koliheyo sa Region1, isasagawa

Para umano mailayo ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot, napagkasunduan ngayon ng Commission on Higher Education (CHED), Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Department of Health (DOH) Region 1 na magsagawa ng random drug testing sa mga estudyante.

Layunin nito na maging drug free ang lahat ng State, Universities at Colleges sa rehiyong uno.

Ayon kay Dr. Rey Agcaoile, ang Public Information Officer CHED Region 1, ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga mag-aaral ng kolehiyo ay upang mapalakas ang kampanya ng mga otoridad laban sa droga.

Sinisiguro ng opisyal na ito ay magiging optional para sa mga estudyante at tinitiyak din na hindi malalabag ang karapatan ng mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*