Supply ng mga bulaklak sa Valentine’s Day, pinangangambahang bumaba

Pinangangambahang bumaba ang suplay ng mga bulaklak lalo na ang mga rosas na mabenta tuwing Valentine’s Day.

Ito’y dahil bumagal ang pamumukadkad ng mga bulaklak sa Baguio dulot ng sobrang lamig ng panahon.

Paliwanag ni Araceli Ladilad, director ng Holticure Department ng Baguio State University College of Agriculture, “parang nagpi-freeze din ‘yung growth ng mga bulaklak pag malamig kaya bumabagal ang growth nila.”

Bukod sa mabagal na pamumukadkad, nagdudulot din ang sobrang lamig ng pagkalagas ng petals at pagpusyaw ng kulay.

Speak Your Mind

*