Visa-free visit ng Philippines officials sa Hongkong, tinanggal na

Hindi na maaring pumasok ng Hong Kong ang lahat ng Philippine officials at diplomatic passport holders na walang visa bilang bahagi ng sanction ng Hong Kong sa Pilipinas kaugnay ng 2010 hostage crisis.

Ayon kay Hong Kong Chief Executive Leung Chun-ying, epektibo ang nasabing kautusan simula February 5 ng taong kasalukuyan.

Unang bahagi lang aniya ito ng sanction na kaniyang ibinabala noong nakaraang taon.

Ito’y dahil sa patuloy aniya na pagmamatigas ng gobyerno ng Pilipinas na mag-sorry sa nangyaring hostage crisis sa Luneta noong 2010 na ikinamatay ng walong Hong Kong tourists.

Nilinaw naman ng Hong Kong na hindi apektado ng nasabing sanction ang mga karaniwang Pinoy na bibiyahe ng Hong Kong.

Speak Your Mind

*