Anim na araw na pagsasanay sa paggamit ng REDAS, kasalukuyang isinasagawa sa Dagupan

Kasalukuyang isinasagawa ang six-day training sa makabagong paggamit ng Rapid Earthquake Damage Assessment System (REDAS) Software na painangungunahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para sa lahat ng opisyal at volunteers ng lungsod ng Dagupan na ginaganap sa CSI Stadia Dagupan.

Bahagi ng nasabing pagsasanay na bigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng concerned citizens ng siyudad sa paghahanda sa posibleng pagkakaroon ng mga sakuna lalo na sa posibleng tsunami na maaaring mangyari sa nasabing siyudad

Kabilang naman sa nakiisa sa pagsasanay ang City Planning and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Assistance and Response Management Center, at Barangay Disaster Risk Reduction Management Council kasama ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas -Pangasinan Chapter.

Ang REDAS ay isang software na Dinvelope ng Philvolcs taong 2002 na ngayoy nagagamit na rin sa ibat ibang lgu sa buong bansa sa mas ligtas na paghahanda sa anumang kalamidad sa lugar gaya ng tsunami, lindol at marami pang iba.

Speak Your Mind

*