Batas kaugnay sa pagbebenta at pagbili ng academic requirements, isinusulong

Maari nang makulong ang mga magbebenta at bibili ng academic requirements katulad ng thesis, dissertations at term papers.

Ito ay kung magiging batas ang isinusulong na house bill 3793 o ang “Academic Honesty Act of 2013” ni Agri Partylist Representative Delphine Gan Lee.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaring makulong ang mga nagbebenta at bibili ng academic requirements ng hindi lalagpas sa 30 araw at pagbabayarin din ang mga ito ng multa na hindi lalagpas sa P10,000.

Ipinaliwanag ni lee na mahalagang makuha ng indibidwal ang kanilang academic credentials sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap at hindi ng dahil sa paghihirap ng ibang tao.

Speak Your Mind

*