Blood Donation Drive and First Aid Orientation ng KBP – Pangasinan Chapter, kasado na

Tiniyak ng Philippine Red Cross Dagupan Chapter na sapat ang suplay ng dugo sa lalawigan ng pangasinan, kayat wala umanong dapat ikabahala ang mga pangasinense.

Ayon kay Flora Mae Magalong ang Red Cross Administrator Dagupan Chapter, na bunga ito ng walang humpay na programa ang tanggapan sa mga blood donation.

Sinabi pa ni Magalong na bukod sa magandang epekto sa kalusugan ang pagdo-donate ng dugo, nakakatulong pa sa pagdaragdag ng buhay ng iba.

Samantala, kasado na ang Blood Donation Drive and First Aid Orientation nang Kapisanan ng mga Brodcaster Ng Pilipinas – Pangasinan Chapter na isasagawa sa Pebrero bente syete ganap na alas 8:00 ng umaga sa Dawel River Cruise, Bunuan Gueset, Dagupan City na may tagline na Brodkaster kana…., Life Saver kapa.

Speak Your Mind

*