BM Bince, magbabakasyon sa SP para pag-aralan ang mga nakabinbing kaso sa Blue Ribbon Committee

Nakatakdang magbakasyon si Board Member Alfonso Bince Jr., simula March 1, 2014 bilang Chairman ng Committee on Laws and Ordinances ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Bm Bince, ito ay upang bigyan ng kaukulang panahon ang pag-aaral at imbestigasyon sa mga administratibong kaso na nakabinbin sa Blue Ribbon Committee na siya ring kanyang pinamumunuan.

Dagdag pa ni Bince sa sulat nito sa presiding officer ng Sanguniang Panlalawigan ay meron pang mga kasong administratibong ihahain sa komite at kailangan itong tapusin sa 90 days na itinakda ng Local Govt. Code.

Una ng nakabimbim sa Blue Ribbon Committee ang dalawang kasong administratibo laban kay Mayor Sammy Rosario ng bayan ng Binmaley kung saan ay inaasahang sa buwan ng Marso ito di-disisyunan ng committee.

Speak Your Mind

*