Capability Building Seminar, isinagawa para sa mga Migrant Desk Officers ng Rehiyon Uno

Naging matagumpay ang isinagawang Capability Building Seminar para sa 74 Migrant Desk Officers na dumalo mula sa apat na probinsya ng Region 1.

Ito ay pinamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration Regional Welfare Office 1 (OWWA RWO1), at layon ng dalawang araw na training seminar, para madagdagan o mahasa pa ang kaalaman ng mga migrant desk officers at magkaroon ng iisang pang-unawa sa mga programang ipinapatupad ng ahensya.

Ilan sa mga opisyal ng OWWA RWO1 ay nagsalita tungkol sa social benefits ng OWWA, Education and Training Assistance, Reintegration Program and Welfare Case Management.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na makibahagi sa isang oras na open forum upang malaman ang kanilang mga katanungan at mga hinaing.

Naniniwala ang OWWA RWO1 na ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga MDOS o Migrant Desk Officers ay malaking tulong sa mga ofw at mga pamilyang naiwan dito sa bansa.

Speak Your Mind

*