Cojuanco, maagang nagpahiwatig ng kagustuhan pumalit sa puwesto ni Governor Espino

Tahasang inihayag ni Former Congressman Mark Cojuanco ang kagustuhan nitong pumalit sa pwesto ni Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr., bilang sunod na pinuno ng probinsiya ng lalawigan sa taong 2016.

Matapos ang matagumpay na talumpati ni Gov. Espino sa kanyang ikatlong State of the Province Address o SOPA kaninang umaga, pinapurihan mismo ni Mark Conjuanco ang tunay na pagbabago ng lalawigan sa kasalukuyang pamunuan nito.

Ani Conjuanco, tama lang aniya ang naging pagsuporta ng taumbayan sa muling pagboto kay Espino nitong nagdaang may 2013 election dahil sa lawak ng pagbabago na nakamit ng probinsiya sa loob ng anim na taon.

Kaya naman walang alinlangan na nagpaabot ngayon si Cojuanco sa interes nito sa pagtakbo sa 2016 election at ang kakayahan nitong sundan ang yapak ng Espino Administration.

Wala rin naman aniya magiging problema sa nakatakdang succession ni Vice Governor Ferdinand Calimlim na maging kaalyado nito dahil may natitira pa itong isang termino bilang bese Governador ng lalawigan.

Speak Your Mind

*