Deped, makikinabang sa mga pinutol na punong kahoy sa tinamaan ng Road Widening Project

Walang umanong ibang makikinabang sa mga punong kahoy na pinutol sa tinamaan ng Road Widening Project sa lalawigan ng Pangasinan kundi ang Department of Education o Deped.

Alinsunod umuno ito sa deed of donation sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Government Unit (LGU’S) na tatamaan ng proyekto.

Ayon kay Urdaneta Cenro Officer Fernando Estrada, payoridad sa paggagamitan ng mga pinutol na puno ang paggawa ng upuan, lamesa at iba pang gamit sa paaralan.

Nabatid na sa dito sa lalawigan, limang bayan ang masasagasaan ng ginagawang Manila-Northluzon Road Widening Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang na ang lungsod ng Urdaneta, bayan ng Binalunan, Pozzorobio, Sison at Villasis sa pagpuputol ng mahigit anim na raang punong kahoy.

Speak Your Mind

*