Facebook, plano ng lagyan ng ‘edit’ button’ ang kanilang ‘Look Back’ video

Pinag-aaralan na umano ng pamunuan ng social media na Facebook kung paano posibleng ma-edit ng kanilang mga users ang bagong “Look Back” video feature.

Nabatid na lahat ng mahigit sa isang bilyong Facebook users ay nagkaroon ng automatic personalised video kasabay ng katatapos lang na selebrasyon sa kanilang 10th anniversary.

Tampok sa naturang video ang isang minutong collage ng pictures na naging highlight ng bawat Facebook user gaya ng taon kung kailan naging miyembro, most “liked” pictures, photos na ibinahagi, at iba pa.

Batay sa impormasyon, sa mga susunod na araw ay makikita na ng mga Facebook users ang “edit button” sa ilalim ng video kalakip ang mga checkmarks sa mga pictures.

Speak Your Mind

*