Football star David Beckham, darating sa bansa ngayong araw

Sa ika-lawang pagkakataon, Darating sa bansa ngayong araw ang football star na si David Beckham.

Inaasahang darating si Beckham alas-11:30 ng umaga sakay ng Cathay Pacific flight at didiretso sa Tacloban para bisitahin ang mga sinalanta ng Bagyong Yolanda.

Una nang nagpadala ng mga donasyong damit si Beckham sa mga biktima ng bagyo.

Matatandaang Disyembre 2011 nang huling bumisita sa Pilipinas si Beckham para sa exhibition game kontra Philippine Azkals.

Speak Your Mind

*