Hinahabol na yaman ni dating pangulong Ferdinand Marcos, aabot sa P50 bilyon

Tinatayang aabot pa sa P50 bilyong halaga ng mga asset ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang target na marekober ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ayon kay PCGG Chair Andy Bautista, sinabi nitong kabilang sa mga irerekober ang nasa 150 nawawalang paintings at nasamsam na lupaing kinatitirikan ng payanig sa Pasig na pinagtatalunan pa rin.

Nasa legal battle pa rin ang pcgg laban sa grupo ni dating Ilocos Governor Chavit Singson, na siyang humawak sa lupain noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Inamin naman ni Bautista na ang sistema sa hudikatura ng bansa ay bahagyang masisisi sa bagal ng pagbawi sa mga yaman ng dating unang pamilya.

Nasa 200 pang kaso ng pcg laban sa mga kaalyado ni marcos ang nakabinbin sa mga korte sa ngayon.

Speak Your Mind

*