Isang batang Dagupeño, magiging kinatawan ng pilipinas sa ASEAN Quiz sa Vietnam

Isang batang dagupeño ang mangunguna sa delegasyon ng pilipinas para sa ikaanim na asean (Association of Southeast Asian Nations) Quiz sa bansang Vietnam sa buwan ng Agosto.

Kinilala si Reysanelle Claire Balolong, isang junior high school student ng St. Albert the Great School ng Dagupan City, topnotcher mula sa labing anim na quizzers sa buong bansa sa isinagawang National Quiz.

Kasama ni Balolong para sa Vietnam competitions sina Kyle Vincent R. Singson ng Pasig City (National Capital Region) at si John Vincent C. Derla mula sa Negros Oriental.

Ang panalangin, buong pagsuporta at pagtitiwala ang naging susi umano sa tagumpay sa paglahok sa anumang kompetisyon.

Ayon sa pamunuan ng Asean Committee on Culture and Information, layunin ng ASEAN Quiz na maisulong ang diwa ng healthy competition at mapagtibay ang pakikipagkaibigan sa mga kabataan sa buong asya.

Speak Your Mind

*