Isinasagawang Road Widening Project ng DPWH sa Pangasinan, aabutin pa hanggang 2016

Aabutin pa umano sa taong 2016 bago matapos ang isinasawang Manila-Northluzon Road Widening Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pangasinan sa bahagi ng Villasis-Sison National Road.

Ito ang inihayag ni DPWH 3rd District Engr. Manuel Diaz, ang isinasagawang road widening project sa Pangasinan ay karugtong lamang ng 42km na nagmula pa sa tarlac na pinundihan ng umaabot sa isang bilyong piso.

Sinabi pa ni Diaz na layunin ng road widening na mapalawak pa ang kasalukuyang 4 line ng nasabing national road nang hangggang sa anin na linya ng kalsada.

Kasabay nito, hihingi naman umano ng palugit ang DPWH sa ibinigay na permit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapatuloy na paglilinis at pagputol ng mga punong kahoy na magiging sagabal sa road widening.

Speak Your Mind

*