Kauna-unahang Provincial Satellite Office ng DFA sa buong bansa, bubuksan sa Calasiao, Pangasinan

Bubuksan na sa mga susunod na buwan ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Robinson Calasiao para mailapit ang serbisyo nito kagaya ng pagproseso sa pagkuha ng passport.

Ang bubuksang consular office sa Robinson Mall sa Calasiao ay magiging unang Provincial Satellite Office ng DFA sa buong bansa sa labas ng Metro Manila at ito ay hindi lang para sa mga Pangasinense, kundi ito ay para sa lahat na gustong makakuha ng pasaporte.

Matatandaang pinangunahan ni Board Member Ranjit Shahani at ang Sangguniang Panlalawigan ang paggawa ng Provincial Resolution No. 317-2013 para iendorso pagkakatatag ng DFA Passporting Office sa bayan ng Calasiao.

Speak Your Mind

*