Kita ng mga vegetable farmer’s sa bayan ng Laoac, bumaba

Dahil sa dumaraming mga magsasaka na nagtatanim ng mais at tabacco sa bayan ng Loac, Pangasinan, apektado na umano ang produksyong ng gulay sa nasabing bayan.

Ayon kay Agriculturist Technology Delhia Casagoy, lumiit na rin ang kita ng mga vegetable farmer sa nasabing bayan dahil kakaunti na lamang ang lugar na kanilang napagtatamnan.

Dagdag pa aniya rito ang mga contract growing ng tabacco sa Barangay Inmanduyan, Casanestebanan at Calmay kung saan ang tatlong lugar na ito ang may pinakamalaking vegetables area na tinataniman ng gulay, ampalaya, talong atbp na isinusuplay sa lungsod ng Urdaneta.

Nabatid na umaabot sa sampung ektarya ang vegetable areas sa nasabing bayan ngunit nabawasan na ito sa ngayon. Genevive Ocampo

Speak Your Mind

*