Loading at unloading zones sa Dagupan, magiging solusyon umano sa maayos na daloy ng trapiko

Itinalaga na ng City Government ng Dagupan ang mga additional loading at unloading zones sa mga pangunahing kalsada ng lungsod bilang paghahanda sa isasagawang traffic experiment na magsisimula ngayong buwan ng Pebrero.

Layunin nito na mahanapan ng mas epektibong solusyon ang mabigat na daloy ng trapiko sa downtown area, at para maturuan ang mga motorista at mga pasahero sa tamang lugar ng babaan at sakayan.

Itinakda bilang mga loading at unloading zones ang harapan ng Maradel Building sa AB Fernandez Avenue, Matissa sa Rizal St., CSI Main, Allied Bank, Jollibee AB Fernandez, CSI, Zamora Street, D-R Bowling Lane, University of Luzon, Fernandez Building, Dagupan Chinese Cemetery, M.H. Del Pilar, GSIS Building, at D-Y Auto Supply.

Samantala, ang lahat ng mga lalabag sa bagong batas na nakasaad sa Ordinance No. 1748-2002 ay papatawan ng kaukulang multa.

Speak Your Mind

*