Maagaang paghahanda para sa 2016 presidential elections, inilatag na ng Comelec

Maagang inilatag sa Kamara ang preparasyon ng Commission on Elections (Comelec), para sa 2016 presidential elections.

Pinangunahan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ang briefing sa joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System kung saan gagastos lamang ng P6.9 bilyon ang Comelec kung lumang PCOS machines ang ilalarga.

Ayon naman kay Comelec Exe­cutive Director Jose Tolentino, sa ganitong paraan ay bibili na lamang ng 6,100 mga makina at idadagdag ito sa 80,000 PCOS machines na ginamit na sa dalawang nagdaang halalan.

Mas makakatipid pa umano kung uupa na lamang ng mga karagdagang bagong PCOS machines.

Speak Your Mind

*