Mga unibersidad sa Dagupan, posibleng makiisa narin sa paglilipat ng academic calendar

Posibleng makiisa na rin ang State Colleges and Universities dito sa lungsod ng Dagupan kaugnay sa paglilipat ng klase o pasukan sa buwan ng Setyembre

Una rito, nagbigay alam na rin ang mga eskwelahan ng University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University sa naturang paglilipat kung kayat hindi umano malalayo na makiisa na rin ang mga Unibersidad sa Dagupan sa nasabing sistema

Matatandaang malaking tulong ang nasabing academic calendar upang hindi na umano mahirapan ang mga estudyante sa bansa kung may kailangang paglilipat ng paaralan bilang exchange student lalo na sa mga karatig bansa na nais mag aral sa Pilipinas

Ngunit mananatiling suhestiyon palang ang nasabing usapin dahil sa marami pang bagay na dapat isaalang alang rito.

Speak Your Mind

*