“Munisipyo sa barangay”, bunuksan sa bayan ng Bugallon, Pangasinan

Pinangunahan ni Bugallon Mayor Jumel Anthony Espino ang pagbubukas ng “Munisipyo sa Barangay” Program sa Barangay Samat sa bayan ng Bugallon Pangasinan.

Layunin ng nasabing programa na mailapit sa mga residente ang mga serbisyo sa munisipyo kaya hindi na kailangang pumunta pa sa Municipal Hall para maka-avail sa mga serbisyo ng ibat ibang opisina sa munisipyo.

Naisipan umano ng pamunuan ni Espino ang nasabing programa para makatulong sa mga pamilyang hirap makarating sa munisipyo dahil na rin sa kahirapan at kalagayan ng mga residente.

Target naman ni Mayor Espino na makumpleto ang nasabing programa sa dalawamput apat na barangay sa buong bayan ng bugallon hanggang sa buwan ng mayo ngayong taon.

Isang araw ang inilaan sa isang linggo para sa isang barangay para maka-avail sa serbisyo ng mga opisina ng Agriculture, Engineering, Treasury, Assessor, DSWD, Police, Health, at MDRRMC.

Speak Your Mind

*