Pagtaas ng kaso ng pre-marital sex at teenage pregnancy, pinaghahandaan na ng Popcom Dagupan

Nangangamba na ang City Population Office ng Dagupan sa tumataas na kaso ng pre-marital sex at teenage pregnancy kung saan pabata na ng pabata ang nabibiktima.

Ayon kay Population Program Officer Irene Oreta, na nakaraniwang nasusuong sa maagang pagbubuntis ng mga out of school youth na hindi naabot ng kanilang programa na ABHYP o ang Adolescence Health and Youth Program.

Dahil dito, target umano ng Popcom na lumapit na sa mga barangay upang magsagawa ng mga pag-aaral at palakasin pa ang kanilang Information Dissemination kaugnay sa teenage pregnancy.

Idinagdag pa ni Oreta na importante ang presensya ng magulang sa paggabay at pagtuturo sa kanilang mga anak ng tamang pakikipag-relasyon at pakikipag-talik.

Speak Your Mind

*