Pangasinan, leading agricultural products producer sa buong region 1

nananatiling leading agricultural products producer ang lalawigan ng Pangasinan sa buong Region 1 maging sa buong bansa.

Ayon kay Gov. Amado T. Espino Jr., naka-ambag ang probinsya ng 65 percent sa kabuuang rice production sa buong rehiyon at pangatlong rice producing province sa buong bansa.

Nakapagtala ang Pangasinan sa taong 2013 ng average rice harvest na 4.53 metric tons per hectare, di hamak na mas mataas sa 4.45 metric tons sa buong rehiyon, at 3.39 metric tons sa buong bansa.

Idinagdag pa ng gobernador na top five corn producing provinces din ang Pangasinan sa buong bansa kung saan nakapagtala ng may kabuuang produksyon na 319,875.31 metric tons sa taong 2013, at may productivity level na 6.25 metric tons kada ektarya.

Samantala, nangunguna rin ang Pangasinan bilang leading producer ng mangga, na may total production na 108,496 metric tons noong 2013, at nakaambag ito ng 80% sa regional output sa produksyon ng mangga.

Otsenta porsyento din ang naiambag ng Pangasinan sa produksyon ng gulay at isda sa buong rehiyong uno para sa taong 2013, kung saan 96.3 percent ang regional production nito ang bangus, at 23.4 percent sa total national output.

Speak Your Mind

*