Pangasinan, may pinaka-mataas na kaso ng HIV/AIDS sa buong rehiyon

Nanguna sa listahan ng Department of Health Region1 Office ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamaraming kaso ng HIV/AIDS sa buong rehiyong uno

Base sa datos ng DOH Region1, sa bilang 85 na kaso 44 rito ang naging kontribusyon ng lalawigan ng Pangasinan para sa taong 2013 kung saan 78 sa kaso ay nasa kategorya ng mga lalake habang pito lang ang bilang ng mga babae nagpositibo sa nasabing sakit.

Sa panayam ng sonshineradio kay Dr. Benito Arca, Assistant Regional Director DOH1, sinabi nitong mas mataas ang bilang sa mga lalake dahil sa kapusukan ng mga ito sa pakikipagtalik sa kapwa lalake at sa iba pang kasarian.

Hindi pa rin umano maitatatwa na bukas ang Pilipinas sa ibat ibang dayuhang pumupunta at bumibisita rito kung kayat wala ring rason na walang pinoy ang hindi magpopositibo sa pinangangambahang sakit na AIDS.

Ibinahagi naman ni Arca ang ABCDE Program para makaiwas sa nasabing sakit kabilang na pagsasabi ng hindi kung kinakailangan, be faithful o ang pakikipagtalik sa iisang tao lamang, paggamit ng condom, pag iwas sa bawal na gamot o droga at edukasyon para malaman ano ba ang sakit na ito at bagay na dapat isaalang alang.

Sa pangkalahatan, binangit rin ni Arca, ang responsible sexuality na tumutukoy sa tamang pagtugon sa tawag ng laman at disipilina sa sariling kalusugan.

Speak Your Mind

*