Pokwang, sunod-sunod ang proyekto ngayong 2014

Excited na ang aktres na si Pokwang dahil malapit na silang mag-shoot para sa gagawin nilang movie ni Zanjoe Marudo!

At take note, sa San Francisco pa gagawin ang nasabing movie!

Say ni Pokwang, sobrang dami niyang projects ngayon dahil maliban sa naka-schedule niyang tapings para sa upcoming movie nila ni Zanjoe ay may concert pa siya sa Canada sa darating na april 11, 12 at 13!

At hindi lang daw yan dahil kasali rin siya sa cast ng ipapalabas na ring ‘Mirabella’ – ang bagong kapamilya teleserye kung saan si Julia Barretto ang bida.

Kahit nga raw wala pang title ang movie ay ‘di niya maitago ang sobrang excitement dahil 60% daw ng kanyang dialogue ay english!

Kwento pa ng komedyante, ingglisera siya sa movie na ito kaya kailangan  niya raw mag-practice ngayon pa lang!.

Speak Your Mind

*