Samsung galaxy smartphone s-5, ilalabas na sa Abril

Malapit nang ilunsad ang pinaka-bagong modelo ng Samsung Galaxy Smartphone – ang ‘S5’!

Sa darating na Abril na nakatakdang ilabas sa publiko ang ‘S5’ na may built-in biometric security na rin!

Tulad umano ng Iphone 5 ng Apple, ang main button ng telepono ay magsisilbi ring fingerprint scanner na gagamitin para ma-unlock ito.

Maliban sa feature na yan ay parehong water at dust-resistant ang ‘S5’.

Pagmamalaki pa ng Samsung, ang ‘S5’ na ang ‘world’s fastest’ auto-focusing camera na ilulunsad sa merkado ngayong taon!

Dahil sa mga natatanging features na ito, naniniwala ang South Korea-based company na tiyak na tatangkilin ang ilulunsad nilang Samsung Galaxy Swartphone S5!

Speak Your Mind

*