SP, makikialam narin sa usaping may kaugnayan sa road widening project sa Pangasinan

Makikialam narin ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan sa usaping may kaugnay sa road widening project ng DPWH na nagresulta ng pagpuputol ng mga punong kahoy sa Pangasinan.

Ayon kay 6th District Board Member Alfonso Bince, agad siyang gagawa ng resulosyon upang maipatawag sa pagdinig ng sangguniang panlalawigan ang mga ahensyang makinalaman dito.

Nais umanong malaman ni Bince, kung may naging paglabag o may sinusunod na batas sa pamumutol ng punong kahoy sa bahagi ng macathur highway sa rosales-sison pangasinan.

Sakali man aniyang kailangan itong gawin, kailangan umanong matiyak ng Provincial Government na magkakaroon ng re-placement sa mga pinutol na punong kahoy.

Speak Your Mind

*