TESDA Pangasinan, hinikayat ng publiko na pumasok sa mas epektibong short term courses

Hinikayat ngayon ng TESDA Pangasinan ang publiko na mas epektibo ang pagpasok sa anumang short term courses at unahing suriin muna kung ano ang in demand na trabaho sa bansa.

Minsan na rin umanong nagiging problema sa mga pinoy ang pahirapan sa paghanap ng trabaho dahil sa mismatch kung kayat maraming pilipino ang walang trabaho hanggang ngayon

Bilang pagtulong ng TESDA sa mga estudyante nito, nasa poder rin nito ang pagsisigurong makakahanap agad ng trabaho ang tesda graduate depende sa nais nitong pasukin na pagkakaitaan o hanapbuhay.

Ayon pa kay TESDA Pangasinan Specialist II Genevive Sanchez, mas marami ring kompanya ang mas prefer na bigyan ng trabaho o posisyon ang isang tesda graduate dahil sa de kalidad na edukasyon na nakukuha sa nasabing institusyon

Maliban rito mas kinikilala rin ng mga kompanya ang tesda certification na mahalaga para sa isang taong nag aaplay ng trabaho hindi lang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.

Speak Your Mind

*