Onion growers sa Bayambang, Pangasinan, umaangal sa talamak na smuggling

Patuloy na umaangal ang mga onion growers sa bayan ng Bayambang, Pangasinan dahil sa mababang presyo ng kanilang produkto.

Ayon kay Municipal Agriculturist Maricel Peralta, maituturing na malaking epekto sa pagbagsak ng presyo ng sibuyas ang mga ipinuslit na sibuyas na mabibili lamang sa merkado sa halagang sampung piso kada kilo.

Sinabi pa ni Peralta na mas malala ang sitwasyon ngayon ng mga magsasaka ng sibuyas kung saan noong nakaraang taon ay umabot lang sa P32 kada kilo ang presyo nito.

Nabatid na sa nasabing bayan, umaabot sa 650-700 na ektarya ang lupaing natatamnan ng sibuyas kung saan itinuturing na pinakamalaking nagsusuplay ng sibuyas sa buong rehiyong uno. by: Lryna Hernandez

Speak Your Mind

*