Winter storm sa East Coast ng Estados Unidos, malaki na ang idinulot na pinsala

Bumagsak ang makapal na snow sa East Coast sa Estados Unidos sa gitna ng nagaganap doong winter storm.

Base sa report, umabot na sa kalahating milyong kabahayan at mga establisyemento ang walang kuryente habang mahigit naman sa tatlong libo’t tatlong daang us flights ang kinansela bunsod ng nasabing sama ng panahon.

Naapektuhan na rin ng higanteng snow storm ang mga residente ng dalawampu’t dalawang states mula Texas patungong Maine.

Hindi naman bababa sa sampu ang naitalang patay dahil dito.

Ayon sa mga Weather Forecaster, ito na ang isa sa pinakamatinding snowstorm na tumama sa Amerika partikular na sa Atlanta mula pa noong 1973.

Speak Your Mind

*