13th Regional Mining Summit, isinagawa sa Dagupan

Pormal ng nagsimulan kahapon ang ika-13 Regional Mining Summit na ginaganap mula Marso 11-13 taong kasalukuyan dito sa lungsod ng Dagupan na pinangunahan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).

Ayon kay PENRO Officer Wendy Co, nakapaloob sa nasabing summit ang usapin hinggil sa Mines Management Division, Mining Environment Safety and Social Development Division, Geosciences Division at Administrative and Finance Division.

Nilahukan naman ito ng ibat-ibang sector ng ahensya mula sa apat na probinsya sa Rehiyong Uno, ang lalawigan ng La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Pangasinan.

Ayon kay Engr. Carlos Tayag, Regional Director ng MGB na ang tatlong raw na aktibidad na daan sa pagpapalitan ng ideas, experiences at aktual na karanasan sa mining industry.

Layunin din ng nasabing summit na higit na mapangalagaan at mapanatili ang mga mineral resources ng rehiyon na tiyak na malaking tulong sa pag-unlad ng bansa.

Speak Your Mind

*