Agri-Pinoy Rice Achievers Award, nasungkit ng Pangasinan

Tatanggapin na ng lalawigan ng Pangasinan sa darating na araw ng biyernes, March 14 ang parangal nito bilang Outstanding Provinces in the Philippines para sa 2013 Agri-Pinoy Rice Achievers’ Award (LGU-Province category).

Ang awarding ceremony ay pangungunahan ng Department Of Agriculture (DA) sa ilalim ng National Rice Program nito, at isasagawa ito sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World, Newport Boulevard, Pasay City.

Tatanggapin ni Gov. Espino ang P4-million prize incentive project at plaque of recognition, kasama si Provincial Agricultural Office Officer-In-Charge Dalisay A. Moya.

Ito umano ang pangalawang award sa dalawang magkasunod na taon na tanggapin ng Pangasinan ang Agri-Pinoy Rice Achievers’ Award.

Speak Your Mind

*