“Awit ng Kabataan”, kampanya ng POPCOM kontra teenage pregnancy

Upang mabigyang solusyon ang problema ng teenage pregnancy, itinatampok ngayon ng Commission on Population o POPCOM Region 1 ang “Awit ng Kabataan” sa pamamagitan ng songwriting contest.

Ayon kay Region 1 POPCOM Officer-in Charge Erma Yapit, layunin ng Youth-Oriented Musical Competition na mapalakas ang kampanya laban sa Adolescent Health and Youth Development (AHYD) particular na ang reproductive health.

Sinabi pa ni Yapit na ang inisyatibong ito ay isang advocacy campaign ng POPCOM para maging tulay ng komunikasyon sa mga kabataan at mapalakas ang social awareness ng mga kabataan..

Ayon pa kay Yapit, ang maagang karanasan sa sekswal ng mga kabataan ay isang contributing factor sa pagtaas ng bilang ng kaso ng teen pregnancy sa bansa.

Speak Your Mind

*