Best Implementer of Gulayan sa Paaralan Program, nasungkit ng Bonuan Elem. School

Nasungkit ng Bonuan Boquig Elementary School ang unang puwesto bilang “Best Implementer of Gulayan sa Paaralan Program” ng City government ng Dagupan.

Matatandaan na ang school Principal na si Manuel Ferrer, ang naging instrumento sa pagkapanalo ng Carael Elementary School sa kaparehong kategorya noong nakaraang taon.

Pinasalamatan naman ni Ferrer ang suporta, pakikiisa at pagtulong ng Boquig Barangay Council, Parents-Teachers Association (PTA) at buong komunidad ng barangay.

Nabatid na ang Bonuan Boquig’s Gulayan ay kinapapalooban ng 1,500 square meter land na hinati sa tatlong dibisyon ang hydrophonic garden, aquaphonic garden at bahay kubo garden.

Samantala, personal namang ipinagkaloob ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang napanaluhan ng naturang paaralan na nagkakahalaga ng P20,000 sa ginanap na 2014 gulayan sa paaralan expo and fair sa CSI car park kamakailan.

Speak Your Mind

*