Turistang pumasok sa Pilipinas nitong Enero, pumalo na sa mahigit 400 libo

Patuloy ang pag-arangkada ng sektor ng turismo lalo’t papasok na ang panahon summer sa Pilipinas!

Pumalo na sa mahigit 460,000 ang bilang ng mga turistang bumisita sa bansa nitong Enero! Mas mataas ang bilang na ito kung ikukumpara sa 430,000 tourist arrivals na naitala ng Deparment of Tourism noong nakaraang taon sa parehong buwan!

Pagmamalaki pa ni Tourism Sec. Ramon Jimenez, jr. Umabot sa 469 million US dollars ang nadagdag sa kaban ng bayan nitong Enero dahil sa mga turistang nagtungo sa Pilipinas!

Samantala, positibo naman ang DOT na makukuha nito ang target na 6 million tourist arrivals ngayong taon habang ang target income naman mula sa mga turistang ito ay ipinoste ng pamahalaan sa 6 billion US Dollars!

Speak Your Mind

*