BJMP San Carlos, nagpapatuloy ang ibat-ibang programa para sa mga inmates

Bagamat masasabing overcrowding na ang mga inmates na naka-detine o nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) San Carlos City, Pangasinan, nabibigyan pa rin naman umano ito ng maayos na pamamahala.

Nabatid na umaabot na sa 140 ang bilang ng inmates dito na dapat sana’y 30 lamang para sa ratio na 1 is to 7 ngunit ang nangyayari ay 1 is to 15 na ang kapasidad nito.

Sa panayam ng sonshineradio kay San Carlos City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing, sinabi nito na napapanatili naman ang kaayusan sa kulungan dahil narin sa ibat-ibang proyekto at programang ipinapatupad para narin sa kapakanan ng mga preso.

Kabilang na aniya sa mandato ng BJMP na mabigyang siguridad ang mga inmates, ang pagsasagawa ng mga livelihood, education, spiritual, recreational, at health program upang sa ganun sa paglaya ng mga inmates ay madala nila ang mga kalaaman sa kanilang pagbabagong buhay.

Speak Your Mind

*