Cash remittances ng OFWS, hindi umano apektado ng nagaganap na tensyon sa ukraine ayon sa BSP

Kahit patuloy pa rin ang tensyong nagaganap ngayon sa Ukraine, hindi naman umano maaapektuhan ang pagpasok ng cash remittances sa Pilipinas ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni BSP Gov. Amando Tetangco na noong nakaraang taon, .06% lamang o 14.4 million US dollars ng kabuuang 22.8 billion US dollars na cash remittances ang nagmula sa Russia habang mababa pa sa .01% o katumbas lang ng 10,000 US dollars ang remittances mula sa Ukraine.

Base sa datos ng Commission on Filipinos Overseas, lumalabas na 2,868 na mga Pilipino ang nagtrabaho sa Russia noong 2012 habang nasa 75 lang ang nasa Ukraine.

Ani Tetangco, binubuo ng cash remittances ang 10% ng kabuuang gross domestic product ng bansa na siyang pangunahing nagpapa-arangkada sa ating ekonomiya.

Speak Your Mind

*