Dagupan DOLE Field Office, dinagsa ng mga gustong pumasok sa G-I-P ngayong summer

Lumagpas na umano sa kota ng DOLE ang pagdagsa ng mga estudyanteng sasailalim sa Special Program for the Employment of Student o SPES ng gobyerno

Umabot na 831 na mga mag aaral sa buong Central Pangasinan ang nagpledge umano para sa naturang Government Internship Program, kung saan hanggang sa 800 lang ang dapat na mapabilang rito.

Sa panayam ng Sonshine radio kay Dagupan Field Officer Engracio Bailon, balak ng pamunuan nito na makipag ugnayan sa DOLE Regional Office upang masigurong walang masasayang o mababawas sa mga estudyante na mabibigyan ng pagkakataong kumita ngayong bakasyon

Nilinaw rin na 14 milyong piso lang ani Bailon ang nakalaan na pondo para sa program at kulang pa aniya ito para sa mga ipasasahod sa mga bata.

Dagdag pa ni Bailon, malaking bahagi rin ng programa ang maging katuwang ang kagawaran nito sa paghubog sa kakayanan ng mga bata habang sila ay nag aaral.

Speak Your Mind

*