DENR at DPWH, umamin na hindi sapat ang public consultation bago isinagawa ang pagputol sa mga punong kahoy

Inamin ngunit humingi ng pasensiya si Liduina Co ng DENR Regional Office kaugnay sa kakulangan ng public consultation sa ibat ibang sector ng lipunan bago isinagawa ang pagputol sa mahigit isang libong malalaking kahoy sa manila north road na sakop ng Sison hangang Rosales, Pangasinan.

Ayon kay Co, inakala ng DENR na sapat ang communikasyon ng DENR sa ibat ibang local govt unit na may sakop sa road widening na kung saan gagawin ang pamumutol sa mga kahoy.

Ayon naman kay OIC District Engineer Emmanuel Diaz, ng DPWH 3rd Eng’g District, hindi alam ng DPWH kung sinu-sinong mga non-government organization  ang kanilang iimbitahin sa mga public consultation na ginawa bago putulin ang mga kahoy.

Ayon naman sa presidente ng Pangasinan Federation of  Non-Government Org. na si Carmelita Duque, matagal na silang katuwang ng probinsiya sa development ngunit hindi  nga sila nakatanggap ng notice of public hearing ukol dito. – Roger Codnita

Speak Your Mind

*