DENR Region 1, tikom ang bibig sa Executive Order No. 20

Tumanggi nang magkomento si Regional Director Samuel Piniafiel sa legalidad ng Executive Order No. 20 ni Pangulong Benigno Aquino ukol sa pamimigay ng exemption sa DENR at ng DPWH sa RA 3571 na nagbabawal sa pamumutol ng mga kahoy.

Ayon kay Director Piniafiel, dumaan sa mga prosesong ipinatutupad ng Department of Environment of Natural Resources ang application ng DPWH sa tree cutting permit noong ipinaputol nito ang mahigit isang libong kahoy upang bigyang daan ang road widening sa Manila North Road.

Kabilang dito ang inventory ng DPWH at ng CENRO sa volume at bilang ng mga kahoy, isinumite din umano ng DPWH ang project development plan upang mabigyan ng Environmental Clearance Certificate (ECC )ang naturang proyekto .

Dagdag pa ni Piniafiel na inobliga ng DENR ang DPWH na magsumite ng benefits and impact ng road widening sa siyudad at sa kalikasan.

Speak Your Mind

*