DOLE Dagupan, inilahad ang mga trabahong alok sa mga mag-aaral

Sa kabila ng sinasabing maraming pinoy ang walang trabaho, marami umanong magbubukas na oportunidad na trabaho para sa mga mag-aaral ngayong bakasyon ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang na umano dito ang trabahong iniaalok ng DOLE na Profiling of Vulnerable Worker, kung saan sila ang magsusurvey sa mga barangay upang alamin ang mga pangangailan ng mahihirap ng mamamayan.

Sinabi pa ni Dagupan Field Officer Engracio Bailon, ng DOLE na bukas din ang Special Program for the Employment of Student o SPES ng DOLE na tatanggap ng suweldo sa loob ng panahon ng kanilang pagsasanay.

Ang mga programang ito ay ipinatutupad aniya sa pagtutulungan ng DOLE at mga pamahalaang lokal ng Pangasinan upang masisiguro na hindi masasayang panahon ng mga kabataan pagsapit ng bakasyon. (DZRD newscenter)

Speak Your Mind

*