Pagputol ng punong kahoy na tinamaan ng Road Widening Project, wala umanong nilabag na batas

Wala  umanong batas na nilabag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagputol ng kahoy sa gilid ng Manila North Road (MNR) partikular sa bahagi ng Sison hanggang Rosales, Pangasinan.

Ito ayon kay Liduina Co ng DENR Region 1 dahil binibigyan ng permit to cut ang permitee kung ang kahoy na puputulin ay nasa pribadong tree plantation na rehistrado sa DENR at meron itong certificate ng tree plantation ownership, pangalawa ay kung ang kahoy ay nasa loob ng school campus, o di kaya ay nasa loob ng pampublikong lugar, sa mga plaza, sa mga gilid ng National Hiways at pati kung nasa gilid ng barangay roads.

Maaari umanong putulin ang mga ito kung kinakailangan para sa Economic Development at bigyang daan ang mga Enfrastructure Projects.

Dagdag pa ni Co na ang Road Widening ay binigyan ng exemption sa pamamagitan ng EO no 23 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino dahil maituturing umano na ang road widening ay impact project ng gobyerno. – Roger Codnita

Speak Your Mind

*