Film Tourism, dapat na i-promote ng pamahalaan para umano makahiyat ng mas maraming turista

Hinihikayat ngayon ang Department of Tourism na ikonsidera nito ang pag-promote sa Pilipinas bilang isang ‘ideal destination’ sa paggawa ng iba’t ibang pelikula.

Ayon sa grupo ng marketing firms, bahagi na ng paglago ng turismo ang industriya ng sining – tulad ng paggawa ng mga pelikula.

Malaki umano ang naitutulong ng paggawa ng pelikula partikular na sa pag-shoot ng iba’t ibang eksena sa iba’t ibang lugar.

Nag-iiba na rin umano ang interes ng maraming tagapanood na mas gustong makakita ng adventure movies na sinu-shoot sa iba’t ibang lokasyon.

Sa katunayan, isinusulong na ngayon ni Sen. Grace Poe ang isang panukala na humihiling ng mas malaking pondo at suporta sa pag-promote ng film tourism sa Pilipinas.

Ito, ayon sa panukala, ay isang paraan para makahikayat ng mas maraming turista ang bansa partikular na yung may interes na gawing bahagi ng ginagawa nilang pelikula ang Pilipinas.

Speak Your Mind

*