Foreign Investments ng bansa, malaki ang ibinaba sa huling bahagi ng 2013.

Malaki ang ibinaba ng Foreign Investments ng bansa kung ikukumpara ang halagang kinita nito noong huling bahagi ng 2012 at 2013.

Base sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA, bumulusok ng 42.7 percent ang halaga ng foreign investments sa huling bahagi ng 2013 kung ihahambing ito sa parehong panahon noong 2012.

Mula kasi sa 230.2 bilyong pisong Foreign Investments noong huling bahagi ng 2012 ay nasa 132 bilyong piso na lang ito noong nakaraang taon.

Mabilis namang isinisi ang pagbaba ng pamumuhunan sa magkakasunod na kalamidad na tumama sa Pilipinas partikular na ang 7.2 magnitude na lindol at super bagyong Yolanda na parehong puminsala sa Visayas region.

Speak Your Mind

*