G8 summit sa Russia, kinansela; G7, kinondena ang pagpasok ng russian military sa Ukraine

Kinondena ng G8 partners ng bansang Russia ang ginagawa nitong panghihimasok sa Ukrainian Government.

Pinasok na ng Russia ang Ukraine at nagpadala na rin ito ng pwersa ng militar sa gitna ng tumitinding kaguluhan sa nasabing bansa.

Dahil dito, sinuspinde muna ng G7 ang nakatakda na sanang G8 summit sa Sochi, Russia sa darating na Hunyo.

Nakahanda na rin magpulong ang European Union Foreign Ministers para sa isang emergency session sa Brussels anumang araw kasunod ng patuloy na pagpupumilit ng russian military na pumasok sa crimean peninsula na bahagi ng Ukraine.

Inakusahan ng Ukrainian Government ang Russia ng pagsisimula ng giyera kaya umano walang tigil ang pagpasok ng pwersa ng militar nito.

Speak Your Mind

*