Girian sa pagitan ng militar at mga militante sa Egypt, tumitindi pa

Nasawi ang dalawang opisyal ng militar sa girian sa pagitan ng mga militanteng grupo sa Qalyubia Province ng hilagang bahagi ng bansang Egypt.

Ito ay matapos tangkaing i-raid ng mga otoridad ang hideout ng terroristang grupo na pinamumunuan ni Ansar Bayt Al-Maqdis na ayon sa isang intelligencce report ay naglalaman ng mga armas at mga bomba.

Si Ansar Bayt Al-Madis din ang pinaniniwalaang nasa likod ng mga pag-atake sa Sinai Peninsula at sa Security Forces Headquarters sa Monsoura noong isang taon.

Bago ito, ay nauna nang inako ng grupo  ang nangyaring pagsabog sa Cairo, Egypt noong Enero na ikinasawi ng anim na tao.

Speak Your Mind

*