Government Internship Program ng DOLE, inihahanda na

Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) dito sa Pangasinan ang ipapatupad na Government Internship Program (GIP) ngayong darating na Abril taong kasalukuyan.

Ayon kay Dagupan Field Officer Engracio Bailon, ng DOLE na makahikayat ng mas maraming estudyante na may edad ng 15 hanggang 25 taong gulang na nais magkakaron ng pagkakataong magtrabaho.

Sinabi pa ni Bailon na ang mapiliping kabataan ang itatalaga  sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan ang sasahudin nilang suweldo na 75% mula sa minimum wages.

Layunin umano ng GIP na makatulong sa mga kabataan lalo na sa mga mahihirap na pamilya upang kumita ng pera sa panahon ng bakasyon at matutunan din ang magtrabaho sa mga ahensiya ng pamahalaan. (DZRD newscenter)

Speak Your Mind

*