Hindi lahat ng pulitiko, pinagbabawalang maging bahagi ng graduation ceremony

Hindi lahat ng pulitiko ay pinagbabawalang maging bahagi ng graduation ceremony ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya.

Ito ang paglilinaw ni Department of Education Asst Secretary Tonisito Umali.

Sa panayam ng Sonshine radio kay Asec Umali, sinabi nito na pwede namang makapag-salita ang mga alkalde at kinatawan ng mga distrito sa graduation rites ng mga paaralan kung sila ay iimbitihan bilang keynote speakers ng seremonya.

Nilinaw ni Umali na ang tanging ipinagbabawal ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga pulitiko na gawing entablado para sa kanilang mga plataporma ang graduation ceremony ng mga mag-aaral.

Speak Your Mind

*