Kambing, muling ibibida sa selebrasyon ng Goat Festival sa Balungao

Muling masisilayan ang pagparada ng mga kambing sa selebrasyon ng “goat festival” sa bayan ng Balungao, Pangasinan na magsisimula Marso a-18 hanggang 22 ngayong taon.

Sa panayam ng sonshineradio, sinabi ng Balungao Mayor Phillip Peralta na bagamat atrasado na ang nakatakda sanang selebrasyon nito, makatitiyak naman ang mga Pangasinense na masisiyahan parin sa mga ihihandang aktibidad.

Kabilang na aniya rito ang Street dance competation, Float parade, parada ng mga reigning Balungao beauties, Balik bayan at Senior citizens night, Barangay night, at Cook fest, ang 101 ways to cook goat.

Ibibida rin ani ni Peralta, ang masasarap na lutong karneng kambing na isa sa ipinagmamalaki na one town, one product ng bayan kung saan bahagi ito sa pagsusulong ng turismo ng lalawigan. (DZRD newscenter)

Speak Your Mind

*